Created 2026타 06부 03앋 (18오 02구)
Updated 2026타 06부 11앋 (09오 09구)
Updated 2026타 06부 11앋 (09오 09구)
Tula ni Gat Andres Bonifacio
| Surat Inawa | Sulat Latin |
|---|---|
| Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya | |
| sa pagkadalisay at pagkadakila | |
| gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? | |
| Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. | |
| Ulit-ulitin mang basahin ng isip | |
| at isa-isahing talastasing pilit | |
| ang salita’t buhay na limbag at titik | |
| ng isang katauhan ito’y namamasid. | |
| Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal | |
| sa tapat na puso ng sino’t alinman, | |
| imbit taong gubat, maralita’t mangmang | |
| nagiging dakila at iginagalang. | |
| Pagpupuring lubos ang nagiging hangad | |
| sa bayan ng taong may dangal na ingat, | |
| umawit, tumula, kumatha’t sumulat, | |
| kalakhan din nila’y isinisiwalat. | |
| Walang mahalagang hindi inihandog | |
| ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, | |
| dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, | |
| buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. | |
| Bakit? Ano itong sakdal nang laki | |
| na hinahandugan ng buong pag kasi | |
| na sa lalong mahal kapangyayari | |
| at ginugugulan ng buhay na iwi. | |
| Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, | |
| siya’y ina’t tangi na kinamulatan | |
| ng kawili-wiling liwanag ng araw | |
| na nagbibigay init sa lunong katawan. | |
| Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap | |
| ng simoy ng hanging nagbigay lunas, | |
| sa inis na puso na sisinghap-singhap, | |
| sa balong malalim ng siphayo’t hirap. | |
| Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan | |
| ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal | |
| mula sa masaya’t gasong kasanggulan. | |
| hanggang sa katawan ay mapasa-libingan. | |
| Ang nangakaraang panahon ng aliw, | |
| ang inaasahang araw na darating | |
| ng pagka-timawa ng mga alipin, | |
| liban pa ba sa bayan tatanghalin? | |
| At ang balang kahoy at ang balang sanga | |
| na parang niya’t gubat na kaaya-aya | |
| sukat ang makita’t sa ala-ala | |
| ang ina’t ang giliw lampas sa saya. | |
| Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog | |
| bukal sa batisang nagkalat sa bundok | |
| malambot na huni ng matuling agos | |
| na nakaka aliw sa pusong may lungkot. | |
| Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! | |
| gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay | |
| walang ala-ala’t inaasam-asam | |
| kundi ang makita’ng lupang tinubuan. | |
| Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan | |
| wari ay masarap kung dahil sa Bayan | |
| at lalong maghirap. O! himalang bagay, | |
| lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. | |
| Kung ang bayang ito’y nasa panganib | |
| at siya ay dapat na ipagtangkilik | |
| ang anak, asawa, magulang, kapatid | |
| isang tawag niya’y tatalikdang pilit. | |
| Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-Tagalogan | |
| ay nilalapastangan at niyuyurakan | |
| katwiran, puri niya’t kamahalan | |
| ng sama ng lilong ibang bayan. | |
| Di gaano kaya ang paghinagpis | |
| ng pusong Tagalog sa puring nalait | |
| at aling kaluoban na lalong tahimik | |
| ang di pupukawin sa paghihimagsik? | |
| Saan magbubuhat ang paghihinay | |
| sa paghihiganti’t gumugol ng buhay | |
| kung wala ring ibang kasasadlakan | |
| kundi ang lugami sa kaalipinan? | |
| Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos | |
| sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop | |
| supil ng pang-hampas tanikalang gapos | |
| at luha na lamang ang pinaa-agos | |
| Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay | |
| na di-aakayin sa gawang magdamdam | |
| pusong naglilipak sa pagka-sukaban | |
| na hindi gumugol ng dugo at buhay. | |
| Mangyari kayang ito’y masulyap | |
| ng mga Tagalog at hindi lumingap | |
| sa naghihingalong Inang nasa yapak | |
| ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. | |
| Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, | |
| nasaan ang dugong dapat na ibuhos? | |
| bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? | |
| at natitilihang ito’y mapanuod. | |
| Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay | |
| sa pag-asang lubos na kaginhawahan | |
| at walang tinamo kundi kapaitan, | |
| kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan. | |
| Kayong antayan na sa kapapasakit | |
| ng dakilang hangad sa batis ng dibdib | |
| muling pabalungit tunay na pag-ibig | |
| kusang ibulalas sa bayang piniit. | |
| Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak | |
| kahoy niyari ng buhay na nilanta’t sukat | |
| ng bala-balakit makapal na hirap | |
| muling manariwa’t sa baya’y lumiyag. | |
| Kayong mga pusong kusang inuusal | |
| ng daya at bagsik ng ganid na asal, | |
| ngayon magbangon’t baya’y itanghal | |
| agawin sa kuko ng mga sukaban. | |
| Kayong mga dukhang walang tanging sikap | |
| kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, | |
| ampunin ang bayan kung nasa ay lunas | |
| sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. | |
| Ipahandog-handog ang buong pag-ibig | |
| hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis | |
| kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid | |
| ito’y kapalaran at tunay na langit. |